“NALAMAN KO NA LANG NA ITINAKBO NA AKO SA OSPITAL. NOONG NAGISING AKO, ‘YUN NA LANG NAIKUWENTO SA AKIN, PATAY NA RAW AKO.”
Siyam na taon nang OFW sa Qatar si Roberto Obaña. Bilang single dad sa anim niyang mga anak, pilit na nagsusumikap si Roberto para maitaguyod ang kaniyang pamilya.
Pero habang mag-isang kumakayod sa dayuhang bansa bilang isang building electrician, ilang beses na rin daw nanganib ang buhay ni Roberto. Ang pinakahuling karamdaman na kaniyang ininda—COVID-19.
“Halos tabi-tabi kami roon na COVID positive. Ang iniisip ko dati, nagkakahawaan din kami dahil hindi mo rin nakikita ‘yung COVID. Isang bagay ang maiisip mo, paano na tayo gagaling kung ganito?”
Higit sa mga sintomas na dulot ng virus, mas masakit daw isipin ang ideya na maaaring maulila niya ang kaniyang anim na mga anak. Panoorin ang kaniyang kuwento sa video na ito! #Survivors
—
Watch the latest episodes of your favorite GMA Public Affairs shows #WithMe. Stay #AtHome and subscribe to GMA Public Affairs’ official YouTube channel and click the bell button to catch the latest videos.
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang.
Subscribe to the GMA Public Affairs channel: https://www.youtube.com/user/gmapublicaffairs
Visit the GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv
Connect with us on:
Facebook: http://www.facebook.com/gmapublicaffairs/
Twitter: http://www.twitter.com/gma_pa