In this video, we will share our 10 Sources of Income. Sa panahon ngayon, hindi sapat na isa or dalawa lang ang source of income natin. Kailangan magisip tayo ng paraan para magkaroon ng multiple sources of income. Hindi kailangan ng malaking pera or sumali sa isang scam (ehem ehem) MLM or Ponzi scheme. Gamitin lang natin ang talent, passion at sipag kaya natin to! Hindi rin kailangan na malaki agad ang kita, from our experience, nagsimula kami sa maliit at unti unti namin pinalaki. Ang aming income streams ay ginawa namin as simple as possible, as passive as possible. Dahil importante ang oras niyo, karamihan dito, set it and forget it. Siyempre mas malaki ang kita kung active kayo sa business, pero ibalance niyo din dahil ang pinakaimportanteng resource natin ay oras. Sa simula wag muna tayong magfocus sa profits, pero magfocus tayo sa proceso, habits at philosophies na matutunan natin para makamit ang totoong financial freedom.
If you live in the US and you want to start investing:
LIMITED TIME: Get 4 FREE STOCKS ON WEBULL when you deposit $100 (Valued up to $1600): https://act.webull.com/ro/Tf9zVyklhdw…
FIRST AND SECOND: OUR CAREERS
Pareho kaming workaholic ni Andrew at mahal namin ang mga trabaho namin, isa siyang professional Photographer at ako naman ay nagtatrabaho sa Finance.
THIRD: MILITARY BENEFITS
Dating sundalo si Andrew at nagkaron siya ng disability habang nasa serbisyo. Bilang pasasalamat binibigyan kami ng gobyerno ng monthly disability check para tulungan kami sa treatments niya.
FOURTH: MEDIA PRODUCTION SERVICES
Bumuo kami ng isang media production company para meron kaming side income. Madaming equipment si Andrew dahil hobby niya talaga ang gumawa ng videos at photos. Naisip ko na gawin nan amin Negosyo, nagsimula kami sa mga kasal at events. Pero ngayon ay kinukuha na din kami sa commercials at ads.
FIFTH: MEDIA RENTAL BUSINESS
Dahil hindi naman laging may project, nasa bahay lang ang aming mga production equipment, cameras, lenses, gimbals etc. Kaya naisip namin na iparent eto. Ang customer na mismo ang magpipick up at magbabalik ng mga equipment, yun ang kumikita na nasa bahay ka lang. Yan ang sinasabi ko na minsan marami ang competition. Sa gold rush, mas marami ang yumaman na nagbenta ng tools para makahanap ng ginto.
https://www.sharegrid.com
SIXTH: E-COMMERCE BUSINESS
Nagbebenta kami ng merchandise at eto ay tinatawag nilang Print On Demand, Ipriprint lang nila ang tshirt or merchandise mo kapag may umorder. Bibigyan ka nila ng percentage or royalty pag nakabenta ka. Wala kaming binabayaran monthly or binayaran upfront, ang kailangan mo lang ay iyong creativity.
https://merch.amazon.com/
SEVENTH: SECURITIES
Nagiinvest kami sa stocks, bonds, REITS, crypto at index funds at binibigyan kami ng dividends. Eto ang pinakapassive na income stream namin. Pero pinapalago lang namin eto para sa aming retirement.
FOR FILIPINOS WHO WANT TO INVEST IN US SECURITIES: https://www.tdameritrade.com/home.page
LIMITED TIME: Get 4 FREE STOCKS ON WEBULL when you deposit $100 (Valued up to $1600): https://act.webull.com/ro/Tf9zVyklhdw…
EIGHTH: BUY AND SELL
Naghahanap kami ng good deals sa mga website katulad ng Craigslist. Minsan ang kailangan mo lang gawin ay linisin at ayusin ang mga basura ng iba at ibenta mo sa mas mataas na halaga.
NINTH: RENTAL INCOME
Noong 2017, bumili kami ng condo kahati ang nanay ko at pinaparentahan namin eto. Dumoble na ang value ng aming property at lahat ng kita ay pinambabayad namin dito. Sa end ng taon ay wala na kaming babayarang amortization at lahat ng kita namin ay pwede namin ipambili ng isa pang property.
TENTH: YOUTUBE
Nung hindi pa ko monetized kumikita naman ako ng konti sa aking mga referral link kahit na napakakonti lang. Sa totoo lang di ko naman ginusto na yumaman sa youtube, kaya gulat na gulat ako na namonetize na at kumikita na ko sa YouTube Ad Revenue. Ako ang gumagawa ng lahat, research, filiming at editing. No employees, no overhead expenses (dahil kumpleto na kami sa camera equipment), no advertising…it’s just me, a camera, kwarto, and computer na ginagamit ko din sa aking trabaho…that’s it. Kahit noong konti palang ang subscribers ko, I give 100% dahil masaya ko gumawa ng video at mas masaya dahil kumikita ako habang tumutulong sa mga tao. Kaya gusto ko ulit magpasalamat dahil kung wala kayo, hindi eto possible. Maybe isang araw sapat na ang kita ko sa Youtube para makapagfocus ako dito ng 100% at makapagupload ng everyday. Ang promise ko din sa inyo ay ireresearch kong mabuti ang mga brands that I will work with, hindi ko ipropromote ang mga kompanyang shady, hindi worth it na masira ang buong buong tiwala niyo sakin dahil lang sa malaking pera. Ang maiioffer ko sa inyo ay ang katotohanan, at pagawa ko ng videos lingo lingo na makakatulong na protektahan ang pera niyo at bigyan kayo ng ideas, education at value para sabay sabay tayong magiging successful at makapagretire ng maginhawa ang buhay.
#pinoyfinance